PHIVOLCS, ipinaliwanag kung bakit mas napinsala ang Pampanga kaysa sa Zambales na episentro ng lindol

Ipinaliwanag ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung bakit mas nakaranas ng matinding pinsala ang probinsya ng Pampanga kaysa sa Zambales na episentro ng magnitude 6.1 na lindol na tumama nitong Lunes.

Ipinunto ng mga opisyal ng PHIVOLCS na depende ito sa uri ng lupa.

Ayon kay PHIVOLCS Science Research Specialist, Dr. Rommel Grutas – ang soil condition ang lugar ay malaki ang contribution kung gaano kalakas ang pagyanig.


Aniya, ang sediment composition sa Porac, Pampanga ay soft sediment kaya malakas ang naramdamang pagyanig.

Tinawag naman ni PHIVOLCS Seismology Specialist Ishmael Narag ito na “The Directivity Effect” kung saan mas malakas ang nararamdamang pagyanig depende sa kung saang naka-direksyon ang rupture.

Facebook Comments