Phivolcs, magsasagawa ng information campaign sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Aktibo ring makikibahagi ang Phivolcs sa “Balik Eskwela” sa Lunes.

Sa Lunes ay magbibigay ng seminar ang Phivolcs at magpapamahagi ng information materials ukol sa earthquake preparedness.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, layunin nila na mabigyan kaalaman ang mga estudyante, guro at mga opisyal sa mga paaralan para sa kahandaan sa kalamidad gaya ng lindol.


Nauna nang nasagawa ng information campaign ng Phivolcs sa ilang probinsya, tulad sa Cagayan Valley at Agusan del Sur.

Kasado na rin ang isang nationwide simultaneous earthquake drill sa June 20 na inaasahang lalahukan ng lahat ng mga eskwelahan, mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.

Kaugnay nito may bagong web application at mobile app na ilulunsad ang Phivolcs na makakatulong sa pag-monitor kapag may lindol at iba pang panganib na maaaring sumulpot.

Facebook Comments