PHIVOLCS, may payo sa publiko ngayong may inaasahan pang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Masbate

Courtesy : Philippine Red Cross Masbate

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko sa mga inaasahan pang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Masbate.

Sa pinakabagong datos, pinakamalakas na Intensity ay sa bahagi ng Cataingan, Masbate na may lakas na Intensity 7 habang Intensity 5 sa kalapit na lugar tulad ng Masbate City, Legaspi City at Albay.

Ayon kay PHIVOLCS Director Undersecretary Renato Solidum, marami na silang naitalang aftershocks matapos ang malakas na lindol kaninang alas-8:00 ng umaga kung saan delikado ang mga lugar na may bitak.


Nabatid na Philippine Fault Zone Leyte Segment ang gumalaw na lupa, at ayon kay Solidum, 100 years ang pagitan ng aktibidad pero malalakas na lindol ang naitatala tulad noong 1890 sa northern part ng Masbate.

Facebook Comments