PHIVOLCS: Mayon, nagbuga ng lava sa nakalipas na 24 oras

Nakapagtala ang Phivolcs ng pagbuga ng lava mula sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang lava burst pasado 6:30 ng gabi, kagabi.

Nasundan ito ng isa pang pagbuga ng lava pasado alas-12 ng hatinggabi kanina.


May 31 volcanic eartquakes din ang naitala kabilang ang 23 tremor events na tumagal mula isang minuto hanggang 52 minuto.

Sa datos pa ng Phivolcs, may isang Pyroclastic Density Current at 84 insidente ng pagdausdos ng mga malalaking bato mula sa crater ng bulkan.

Nasa halos 600 tonelada naman ng sulfur dioxide o asupre ang ibinuga ng bulkan na may taas na 1,000 metro.

Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa patuloy na nararanasang unrest.

Facebook Comments