PHIVOLCS, muling nagsagawa ng aerial inspection sa paligid ng bulkang Mayon

Manila, Philippines – Muling nagsagawa ng aerial inspection ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa paligid ng bulkang Mayon.

Ayon kay Maria Antonia Bornas, Chief Science Research Specialist ng PHIVOLCS, mas nakita nila ang dami ng depositong inilalabas ng bulkan.

Natukoy rin nila ang mga lugar na dinadaluyan ng mas maraming lava at pyroclastic flow o pinaghalong mainit na abo, bato, gas at lava.


Sinabi naman ni Dr. Paul Alanis, Science Research Specialist ng PHIVOLCS na tuloy tuloy pa rin ang pag-akyat ng magma kaya nananatili pa rin ang bata ng hazardous eruption.

Samantala, ipinatupad na ng emergency employment program ang Department of Labor and Employment para sa libo-libong evacuee.

Sa ilalim nito, bibigyan ng trabaho ang bawat pamilya sa loob ng evacuation center na may P290 kada araw na sahod sa loob ng 10 araw.

Sinimulan na rin ng Department of Trade and Industry ang pagbebenta ng mga produktong may diskuwento para sa mga evacuee.

Facebook Comments