Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit isang libong aftershocks matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra noong Miyerkules.
Sa abiso ng PHIVOLCS, hanggang kaninang alas-2:00 ng tanghali, umabot sa 1,108 ang aftershocks ang naitala na may lakas na magnitude 1.5 hanggang 5.0.
Sa nasabing bilang, 285 ang naka-plot o matatagpuan malapit sa epicenter ng mainshock sa Abra, 26 ang naramdaman.
Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling mapagbantay dahil ang aftershocks ay maaaring maganap sa mga susunod pang mga araw.
Facebook Comments