Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa publiko hinggil sa kumakalat na umano’y malakas na lindol na tatama sa Metro Manila.
Sa isang post sa Facebook, iginiit ng ahensya na walang basehan ang balitang mararanasang magnitude 7.1 na lindol sa Metro Manila at hindi rin nanggaling sa PHIVOLCS ang babala tungkol dito.
Paalala ng PHIVOLCS, wala pang teknolohiya sa buong mundo na maaring magsabi kung kailan tatama ang isang malakas na lindol.
Pagtitiyak ng ahensya, patuloy ang kanilang pagmamatyag sa mga lugar na pinagmumulan ng lindol.
Hinihikayat rin ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng nasabing maling impormasyon sa text at internet.
Facebook Comments