Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng maging banta ang lahar flow mula sa Bulkang Mayon sa mga kalapit na komunidad bunsod ng pag-uulang dulot ng Bagyong Ambo.
Pinapayuhan ng PHIVOLCS ang mga residente na maging alerto at maghanda sa mga posibleng dadaanan ng lahar.
Ang Pyroclastic Density Current o PDC deposits ay tumambak na sa watershed areas ng Miisi, Mabinit, Buyuan, at Basud Channels, habang ang iba pang eruption deposits ay ino-okupa ang watershed areas ng silangan at kanlurang dalisdis ng bulkan.
Bukod dito, nagbabala rin ang state volcanology bureau ng lahar at sediment-laden streamflows sa lahat ng river channels malapit sa Mayon partikular sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbacud, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, at Basud.