Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang mga nakikitang bitak malapit sa Taal Volcano ay sensyales na posibleng magkaroon ng malakas na pagsabog.
Ang mga lugar na nakitaan ng bitak ng lupa ay mga bayan ng Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas sa Batangas.
Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring Division Chief, Ma. Antonia Bornas – ang mga nakitang fissures ay senyales na aktibo at maraming magma sa bulkan.
Giit ni Bornas – papayagan lang ang mga residenteng bumalik sa kanilang mga tahanan kapag ibinaba na sa alert level 2 ang Bulkang Taal na ngayon ay nananatili sa alert level 4.
Kaya pinapayuhan ng PHIVOLCS na lumikas na ang mga residente sa mga lugar na may bitak ang lupa gayundin ang mga nasa Volcano Island, sa paligid ng Taal Lake, at sa mga high risk areas o 14 kilometers mula sa main crater.