Nagbabala ang Phivolcs ng posibleng pagtama ng mas malakas na lindol kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, Cotabato.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum – pinag-aaralan nila kung parehong fault ang gumalaw sa lindol kahapon at noong October 16.
Dagdag ni Solidum, seismic zone ang episentro ng pagyanig at patuloy ang paggalaw ng lugar.
Dahil aktibo ang fault, pinayuhan ng ahensya ang mga residente na posible pa ang susunod na mga lindol na mas malaki pa sa nangyaring lindol kahapon.
Facebook Comments