PHIVOLCS, nagbabalang maaring masundan pa ang nangyaring pagputok ng Bulkang Kanlaon

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na
maaari pang masundan ang nangyaring pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa pulong balitaan , sinabi ni Chief Science Research Specialist Maria Antonia Bornas na hindi pa rin normal ang kondisyon ng bulkan dahil may mga naitatala pa ring mahihinang volcanic earthquake.

Sa ngayon, manipis lamang ang naibugang ashflow ng bulkan at wala ring degassing na nakikita ngayon sa bulkan.


Mula pa umano noong 2022 ay namamaga na ang bulkan dahil sa pressure ng volcanic gas.

Ayon pa kay Bornas, mananatiling nakataas ang Alert Level 2 ng bulkan hanggang hindi nagbabago ang mga pinagbabatayang mga parametro.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng PHIVOLCS sa mga local government unit na mahigpit na ipagbawal ang pagpasok ng mga residente ipatupad sa 4 km permanent danger zone.

Facebook Comments