Nagpalabas ng abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kasunod ng mga aktibidad na pinapakita ng Bulkang Pinatubo.
Simula January 2021, na-monitor ng Pinatubo Volcanic Network ang 826 na lindol sa east northeast ng bulkan o sa Mabalacat City, Pampanga.
Noong January 25, naitala ang magnitude 1 hanggang 2.5 na may lalim na 25 hanggang 28 km.
Ang mga paggalaw ng lupa ay malapit sa Sacopia lineament, isang fault na huling naging aktibo matapos ang pagputok ng Pinatubo noong 1991.
Ayon sa PHIVOLCS, nagsislbi itong babala na may mga faultline na lumilikha ng lindol sa paligid ng bulkan pero kadalasan hindi ito nararamdaman.
Nitong April 22, 2019, nagkaroon ng magnitude 6.1 na lindol sa katimugang paanan ng bulkan.
Sa ngayon, nasa alert level zero pa rin ang Bulkang Pinatubo pero paalala ng PHIVOLCS na dapat maging alisto pa rin ang mga residente at Local Government Units (LGUs) sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng lindol at volcanic hazard.