Monday, February 23, 2026

PHIVOLCS, naglabas ng tsunami threat advisory kasunod ng pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Borneo

Walang naitalang tsunami threat sa Pilipinas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Kasunod ito ng pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa silangang bahagi ng Borneo.

Batay sa preliminary earthquake parameters na inilabas ng PHIVOLCS, alas 12:58 ng hatinggabi kanina nang yanigin ang nabanggit na lugar, at may lalim itong humigit-kumulang 600 kilometro.

Samantala, unang naiulat ang lindol na may lakas na magnitude 7.1 ng German Research Centre for Geosciences (GFZ), ngunit kalaunan ay ibinaba ito sa magnitude 6.8.

Facebook Comments