Muling nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa patuloy na paghihigpit o pagbabawal ng anumang human activity sa loob ng Taal Volcano Island, lalo na sa main crater, Daang Kastila fissures at sa lawa ng taal.
Kasunod ito ng naitalang tatlong magkakasunod na phreatic eruption na naitala ng 7:15, 7:19 at 7:23 kagabi na may tig-isang minuto ang itinagal.
Sa datos ng PHIVOLCS mula alas-dose ng hating gabi kahapon hanggang kaninang alas-dose ng hating gabi ay may naitalang tatlong volcanic earthquakes at nagdulot din ng vog , kung saan may nakitang 3,309 na tonelada ng sulfur dioxide flux .
Dahil sa nanatiling nakataas ang alert level 1 ng Bulkang Taal, pinagbabawal pa rin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid ,malapit sa tuktok ng bulkan.