Nagpalabas ng abiso ngayong umaga ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) dahil sa tumataas na pamamaga ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng mauwi sa explosive explosions ang mga nakikitang pamamaga ngayon sa Kanlaon.
Kabilang dito ang tuloy-tuloy na inflation o swelling sa mga nakalipas na buwan.
Paliwanag ng PHIVOLCS simula nuong 2022 ay naitala na nila ang mabagal pero tuloy-tuloy na pamamaga sa Bulkang Kanlaon na nangangahulugan na mayroong nangyayaring long term “Pressurization”.
Dahil sa mga naitatalang mababaw na Volcanic Earthquake at tumataas na antas ng sulfur dioxide ng Kanlaon ay nangyayari ngayon ang tinatawag na magmatic intrusion.
Dahil dito, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon at pinapayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4 Kilometer Permanent Danger Zone.
Mahigpit din na naka-monitor ngayon ang PHIVOLCS sa aktibidad ng Kanlaon para kaagad na maisapubliko ang ipinapakitang aktibidad ng Bulkan.