Umabot na sa 437 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs sa Zambales at sa mga karatig lugar nito.
Ito ay kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na naranasan sa Metro Manila at iba pang panig ng Luzon.
Batay sa monitoring ng Phivolcs, ang mga naturang aftershocks ay mula 1.4 hanggang 3.4 ang intensity.
Pero, 8 lamang sa mga ito ang naramdaman ng mga residente sa karatig lugar sa Zambales at Pampanga area.
Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay napakalalim at ang paggalaw ay dulot ng local fault sa lalawigan ng Zambales.
Asahan ang mga mahihinang aftershocks sa loob ng 2 linggo.
Facebook Comments