Phivolcs, nakapagtala na ng 437 na aftershocks

 

Umabot na sa 437 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs sa Zambales at sa mga karatig lugar nito.

 

Ito ay kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na naranasan sa Metro Manila at iba pang panig ngĀ  Luzon.

 

Batay sa monitoring ng Phivolcs, ang mga naturang aftershocks ay mulaĀ  1.4Ā  hanggangĀ  3.4 ang intensity.


 

Pero, 8 lamang sa mga ito ang naramdaman ng mga residente sa karatig lugar sa Zambales atĀ  Pampanga area.

 

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay napakalalim at ang paggalaw ay dulot ngĀ  local fault sa lalawigan ng Zambales.

 

Asahan ang mga mahihinangĀ  aftershocks sa loob ng 2 linggo.

Facebook Comments