PHIVOLCS, nakapagtala ng 16 na pagyanig sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 16 beses na volcanic earthquake sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan batay sa abiso na inilibas ng PHIVOLCS pasado alas-8:00 ng umaga ngayong araw.

Ayon sa PHIVOLCS, ito ay nangangahulugang mayroong bahagyang pagligalig sa Pinatubo na maaaring magdulot ng tectonic sa ilalim ng bulkan.


Pero iginit ng ahensya na hindi naman nila namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.

Tiniyak naman ng PHIVOLCS na patuloy na silang magbabantay sa kalagayan ng Bulkang Pinatubo at ang anumang pagbabago ay agarang ipararating sa lahat ng mga kinauukulan at publiko.

Facebook Comments