PHIVOLCS, nakapagtala ng 19 “very weak phreatomagmatic bursts” sa Taal Volcano kanina

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 19 na mahihinang “phreatomagmatic bursts” sa Taal Volcano.

Ayon sa PHIVOLCS, na-monitor ito mula 8:50 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon ngayong araw, October 21, 2022.

Ilan sa mga naitalang aktibidad ay nagpakawala ng 200 na metrong taas ng plume o pagsingaw na napadpad sa bahaging hilagang-kanluran.


Karamihan sa naitalang aktibidad ay may upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa.

Nanatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano.

Ibig sabihin, nagpapakita ito ng abnormal na aktibidad ng bulkan.

Pinapayuhan ang mga Local Government Units (LGUs) na maging mapagbantay.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pamamalagi sa permanent danger zone sa Taal Volcano.

Facebook Comments