PHIVOLCS, nakapagtala ng 302 na pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras

Nakapagtala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit 300 na mga pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sa record ng PHIVOLCS, mayroong 302 na volcanic earthquakes sa buong paligid ng bulkan.

Kabilang na rito ang 184 na volcanic tremor na naranasan kada isang oras at 12 minuto.


Na-monitor din ang mahinang pagbuga ng puting usok sa Bulkang Taal na may taas na 30 metro.

Nagbubuga rin ito ng sulfur dioxide kung saan umaabot sa 925 tons kada araw habang nasa 78.1-degree Celsius ang temperatura.

Sa ngayon, nasa Alert level 2 ang Taal at mahigpit ang kautusang bawal pumasok sa Taal Volcano Island.

Facebook Comments