PHIVOLCS, nakapagtala ng 36 na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 36 na volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang dito ang 27 volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang walong minute.

Nagkaroon din ng mahinang pag-singaw sa gas vents ng main crater na may taas ng 50 metro.


Nakapagtala rin ng 1,184 na tonelada ng sulfur dioxide noong March 21 at nanatiling mataas ang temperatura at acidity ng Bulkang Taal.

Senyales umano ito ng pagkaligalig ng magma sa loob ng bulkan.

Nagpaalala ang PHIVOLCS na nanatili ang alert level 2 at bawal ang pagpunta sa Taal volcano island dahil sa banta ng posibilidad ng biglang pagsabog ng bulkan at ito ay isang permanent danger zone.

Facebook Comments