PHIVOLCS, nakapagtala ng 377 aftershocks matapos ang magnitude 6.0 na lindol sa Davao de Oro kahapon

Nakapagtala na ng 377 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bahagi ng Davao Region.

Ito ay kasunod pa rin ng magnitude 6 na lindol na naramdaman sa silangang bahagi ng Compostela sa Davao de Oro kagabi.

Nasa magnitude 1.3 hanggang 3.6 ang mga naitalang pagyanig ng PHIVOLCS kung saan isa lamang sa bilang na ito ang naramdaman habang 59 ang plotted.


Bago mag-alas-7:00 kagabi nang yanigin ng lindol ang silangang bahagi ng Compostela, Davao de Oro.

Sa report ng PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na natukoy sa lalim na 28 kilometro.

Sabi ng PHIVOLCS, ang Philippine Fault ang gumalaw na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao Region.

Facebook Comments