PHIVOLCS, nakapagtala ng 5.2 magnitude na lindol na naramdaman sa Burgos, Surigao del Norte; Mga aftershock, inaasahan

Niyanig ng 5.2 magnitude ang bahagi ng Burgos, lalawigan ng Surigao del Norte kaninang pasado alas-10:59 ngayong umaga.

Batay sa tala ng ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng pagyanig sa 97 kilometers east ng Burgos ng nasabing lalawigan.

May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.


Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng Instrumental Intensity II sa Surigao City, Surigao del Norte at Intensity I sa Abuyog, Leyte

Hindi naglabas ang ahensya ng tsunami warning alert at pero inaasahang ang mga aftershocks na dulot ng pagyanig.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, walang may naitalang nasugatan, nasawi o nasirang mga ari-arian na sanhi ng lindol.

Facebook Comments