Thursday, January 22, 2026

PHIVOLCS, nakapagtala ng 633 na pagyanig kasunod ng magnitude 5.3 na lindol sa karagatan sa labas ng Sultan Kudarat

As of 12 NN, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng 633 na aftershocks kasunod ng magnitude 5.3 na lindol na tumama sa karagatan sa labas ng Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Nasa magnitude 1.4 hanggang 5.2 ang pagyanig na naitala.

Mula sa naturang bilang, nasa tatlumpu ang naramdaman habang 197 ang plotted.

Bandang 9:33 kahapon ng umaga nang tumama ang lindol na may lalim na 10 kilometro.

Ang epicenter ay nasa humigit-kumulang 40 kilometro timog-timog-kanluran ng bayan ng Kalamansig.

Ayon sa PHIVOLCS, ang Cotabato trench ang gumalaw.

Facebook Comments