Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala ito ng 74 na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras at 46 na volcanic tremors o pagyanig na tumagal ng isa hanggang apat na minuto.
Nagkaroon din ng mahinang pagsingaw na may taas na sampung metro. Ito ay mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa main crater. Simula kahapon ay nagbubuga ng abo ang Taal na higit-kumulang sa 596 tonelada kada araw.
Dahil dito, nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano kung kaya’t pinagbawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa Permanent Danger Zone (PDZ) lalo na sa may gawi ng main crater at ng Daang Kastila fissure.
Ipinagbabawal din ang mga sasakyang panghimpapawid na lumipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring magdulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan.
Payo naman ng PHIVOLCS sa lokal na pamahalaan na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan.