Sunday, January 25, 2026

PHIVOLCS, nakapagtala ng mahigit 250 rockfall events sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 253 na rockfall events mula sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon na nasa Alert Level 3 pa rin.

Batay ang nakuhang datos sa 24 oras na monitoring ng ahensya mula alas-12 ng hatinggabi ng January 24 hanggang 12:00 a.m. ng January 25.

Bukod sa pagguho ng mga bato, naitala rin ng PHIVOLCS ang isang volcanic earthquake, isang nagpapatuloy na volcanic tremors, at 44 na pyroclastic density current o uson.

Nasa 2327 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre naman ang naibuga ng bulkan habang umabot naman ng 600 metro ang plume nito na napadpad sa timog-kanluran at hilagang-silangan.

Kaugnay nito, nakuhanan rin ang patuloy na effusive eruption ng Mayon Volcano kung saan namataan ang lava flow sa Mi-si, Bonga, ay Basud Gullies.

Facebook Comments