Magkakasunod na pagyanig o lindol ang naitala sa lungsod ng Masbate ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang alas-6:21 ng umaga nang unang yanigin ng magnitude 4.1 ang lungsod kung saan natukoy ang epicenter nito na may layong 11 kilometers sa hilagang-kanluran ng Masbate at may lalim na 8 kilometers sa pinagmulan nito.
Naitala ang:
- Intensity 4 sa Masbate City,
- Intensity 3 sa Batuan at Milagros, Masbate,
- Intensity 2 sa Aroroy, Masbate; Bulusan, Sorsogon; Legazpi City sa Albay, Calbayog City sa, Samar at Rosario sa Northern Samar at intensity 1 naman sa Cataingan, Masbate.
Sa ulat, 19 minutes lamang na pagitan muling niyanig ng Magnitude 3.7 ang lungsod.
Samantala, tiniyak naman ng PHIVOLCS na wala namang dalang pinsala ang tatlong magkasunod na lindol sa lungsod at patuloy na nakabantay sa mga aftershocks nito.
Facebook Comments