PHIVOLCS, nakapagtala ng walong pagyaning sa Bulkang Pinatubo; Alert level 1, nananatili

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala sila ng walong volcanic earthquake sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PHIVOLCS, ibig sabihin nito ay mayroong bahagyang pagyanig na maaaring dulot ng tectonic na nangyayari sa ilalim ng bulkan.

Dahil dito, hindi pa rin inaalis ng PHIVOLCS ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan.


Pero hindi naman namamataan ng ahensya ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.

Bunsod nito, nagbabala naman ang PHIVOLCS sa publiko na mag-ingat sa papasok sa Pinatubo Crater.

Tiniyak naman ng ahensya ang patuloy nilang babantayan ang aktibidad ng nasabing bulkan at ang anumang pagbabago nito ay agad nila iyong ipapaalam sa publiko at sa lahat ng mga kinauukulan.

Facebook Comments