Phivolcs nangangamba na may mas malakas pang lindol na tatama sa Mindanao

Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang posibilidad na may isa pang mas malakas na lindol na maaaring maganap matapos ang ikatlong halos magkakasunod na lindol na tumama sa Tulunan, Cotabato.

 

Ayon kay Phivolcs Science Research Specialist Erlinton Olavere, halos magkakahalintulad ang magnitude ng mga nangyaring pagyanig.

 

Dahil dito, maaari aniyang may paparating pa na mas malakas.


 

Bunsod nito pinag-iingat ng Phivolcs ng mga residente at pinayuhang huwag matakot.

 

Unang tumama sa bayan ng Tulunan ang 6.3 magnitude quake noong Oktubre 16, sinundan ng 6.6 magnitude noong Oktubre 29 at 6.5 magnitude nitong Oktubre 31.

 

Ayon kay Olavere 5 aktibong fault sa paligid ng Tulunan ang siyang sanhi ng serye ng lindol.

 

Itinama naman ng Phivolcs na hindi aftershocks ang tumamang 6.5 magnitude quake kahapon kundi bagong lindol.

 

Sinabi ni Olavere na para maituring na aftershocks ang pagyanig ay dapat pababa na ang magnitude nito na karaniwang nasa 3 hanggang 4 magnitude.

 

Ani Olavere, asahan ang aftershocks sa dalawang magkasunod na lindol.

Facebook Comments