PHIVOLCS nangangamba sa maling paniniwala ng publiko sa paghina ng aktibidad ng Bulkang Taal

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi kalmado at patuloy parin ang pagdaloy ng magma sa ilalim ng lupa sa Bulkang Taal.

Gingawa ang pahayag sa harap na rin ng paniniwala ng publiko na tila nagiging maayos ang lagay ng bulkan habang lumilipas ang araw.

Ayon kay Ma. Antonia Bornas, hepe ng volcanic monitoring and eruption prediction division ng PHIVOLCS, nag aalala na sila sa maling paniniwala ng publiko.


Sa ngayon kasi, bagaman tila tahimik sa ibabaw, kabaliktaran ang nangyayari sa ilalim ng bulkan.

Paliwanag nito noong Sabado, 50/50 ang pagtaya nila kung sasabog ang bulkan pero ngayon mas malala na ang sitwasyon at may banta ng mapaminsalang pagsabog anumang oras o araw.

Base sa pinakahuling datus sa monitoring ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 nakapagtala sila ng 23 volcanic earthquakes na may lakas mula magnitude 1.2 hanggang magnitude 3.8.

Facebook Comments