Phivolcs, nasa alert level 2 dahil sa biglaang pagbuga ng abo ng bulkang Mayon

Muling nagbuga ng abo ang bulkang Mayon kaninang alas-8:17 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang volcanic activity ay ang pagsingaw ng mga lumang materials na naipon sa nagdaang pag-aalburoto.

Sa interview naman ng RMN Manila kay Undersecretary Renato Solidum ng Phivolcs sinabi nito na patuloy nilang binabantayan ang activity ng mayon at nananatili sila sa alert level 2 status.


Dagdag pa ni Solidum, walang inaasahang lava flow pero inaabisuhan nila ang ilang mga residente na huwag nang lumapit at pumunta sa tuktok ng bulkan.

Nabatid pa na umabot na sa 500 hanggang 600 metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan mula sa tuktok na patungo sa timog-kanlurang direksyon ang tinahak.

Iginiit pa ni Solidum na kung magpapatuloy ang pamamaga ng bulkan Mayon ay baka magkaroon ng hindi inaasahang aktibidad kaya at patuloy nila itong inoobserbahan at binabantayan.

Facebook Comments