PHIVOLCS, nilinaw na hindi sumabog ang Bulkang Taal

Mariing itinanggi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga kumalat na ulat sa social media na sumabog muli ang Bulkang Taal kagabi.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, hindi sumabog ang bulkan at nagkaroon lamang ng thunderstorm activity sa Batangas.

Aniya, ang mga kumalat na video kung saan may mga lightning activities malapit sa bulkan ay walang kinalaman sa anumang volcanic activity.


Ang PAGASA ay naglabas ng thunderstorm advisory kung saan magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan na may pagkidlat at malalakas na hanging sa ilang lugar kabilang ang Calatagan, Lian, at Balayan, Batangas.

Ang Taal ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 2 kung saan maaaring mangyari ang anumang phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at volcanic gas expulsion.

Facebook Comments