Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko kaugnay sa peligro na dala ng kombinasyon ng pa-gulan at sinabayan o sinundan ng lindol.
Ayon kay PHIVOLCS Usec. Director Renato Solidum, nakapagtala na sila ng hindi kalakasang lindol pero nagkaroon ng landslide o pagguho ng lupa.
Ito ay dahil nagkaroon muna ng mga pag-ulan sa bulubunduking lugar kung saan napalambot na ang lupa at saka nagkalindol.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang magnitude 6.1 na lindol na naranasan kanina sa Davao Oriental ay aftershocks lamang ng magnitude 6.2 na lindol noong April 19 sa kaparehong lalawigan.
Sa ngayon, nakapagtalaga na ng nasa 150 aftershocks ang nabanggit na malakas na lindol.
Sa kabila nito, pinawi ni Solidum na magkakaroon ng tsunami.
Paliwanag nito, kailangan ng magnitude 6.5 na lindol bago ito makalikha ng maliit na tsunami.
Nabatid na Philippine Trench sa karagatan ang gumalaw na lupa kaugnay ng 6.1 magnitude lindol kanina.