Phivolcs, pinayuhan ang residente na huwag munang bumalik sa kanilang mga bahay

Pinayuhan ni Phivolcs director Renato Solidum ang mga residente na huwag munang bumalik sa kanilang mga bahay Partikular sa epicenter ng lindol sa Tulunan, Cotabato.

Ayon kay Solidum, asahan aniya na ang mga bahay na apektado ng nagdaang lindol ay madagdagan ng bitak.

Pinayuhan ni Solidum ang mga LGUs na mag-inspeksyon ng mga bahay at gusali.


Dapat silipin kung may sira o wala. Kung may sira, i-evaluate kung pwede pang ipagamit sa tao.

Ang lindol ngayon, 29 Oktubre 2019, 09:04 ng umaga, ay katulad ng naganap na lindol nuong 16 Oktubre 2019 sa Tulunan, Cotabato.

Facebook Comments