Nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 3 ang status ng Mayon Volcano sa Legaspi, Albay.
Nakapagtala kasi ang Mayon ng volcanic earthquake, 97 na volcanic tremors na tumagal ng 35 minuto, 105 rockfall events at tatlong Pyroclastic Density Current events (PDCs) sa loob lamang ng 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 3 ang status ng bulkan at hindi inaalis ang posibilidad ng pagputok.
Samantala, nakapagbuga rin ang bulkan kahapon ng 715 tonelada ng sulfur dioxide at plume na may 200 metro ang taas na nakaabot na sa Kanluran-Timog-Kanluran.
Hindi pa rin pinapayagan ang publiko at residente na makapasok sa 6km radius permanent danger zone dahil sa panganib ng lava flows, rock falls, pyroclastic density at ibang volcanic hazards.