Magsasagawa ng pagsusuri at assessment ang Phil Institute of Volcanology and Siesmology sa nangyaring magnitude 5.5 earthquake sa Carrascal, Surigao del Sur kahapon.
Nagpadala na ng quick reaction team ang Philvocs sa lalawigan na binubuo ng mga Science Research analyst nito.
Ayon kay Phivolcs Science Research Analyst John Decsimo, huling gumalaw at naitala ang magnitude 7.7 earthquake sa Surigao del Sur noong Hulyo 1911 .
Aalamin ng Phivolcs kung iisang lugar lang ang pinanggalingan ng pagyanig kahapon tulad sa nangyaring lindol noong 1911 o di kaya ay may bagong fault sa bahagi ng Carrascal.
Huling naitala ang magnitude 4 na aftershock sa nasabing bayan pasado alas 11 kagabi.
Facebook Comments