PHIVOLCS, tiniyak na ligtas sa lindol ang Metro Manila Subway

Tiniyak ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ligtas mula sa lindol ang itinatatong Metro Manila Subway.

Ayon kay PHILVOLCS Director Renato Solidum – walang bahagi ng subway system ang dadaan sa West Valley Fault.

Aniya, ang underground railway system ay dadaan sa adobe layer na angkop sa “tunneling”.


Dagdag pa ni Solidum na mas ligtas ang subway kaysa sa elevated rail kung magkaroon man ng lindol.

Tiwala naman ang Department of Transportation (DOTr) na maaasahan ang lawak ng karanasan at kahusayan ng Japan sa pagdisensyo, paggawa at pagpapatakbo ng subway system.

Sa 2022 ay magkakaroon na ng partial operability ang subway kung saan bubuksan unang tatlong istasyon nito: Quirino Highway; Tandang Sora at North Avenue habang ang full operations nito ay sa 2025.

Ang Metro Manila Subway ay isa sa proyekto sa ilalim ng Builb Build Build Program ng Duterte administration at popondohan ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Facebook Comments