Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.
Ito ay matapos yanigin ng magnitude 7.5 na lindol ang Papua New Guinea Martes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, walang direktang magiging epekto sa bansa ang nasabing pagyanig batay na rin sa impormasyong mayroon sila sa ngayon.
Nito lamang Mayo 7, niyanig din ng magnitude 7.1 na lindol ang Papua New Guinea.
Facebook Comments