PHIVOLCS, tiniyak na walang tsunami threat kasunod ng magnitude 7.0 na lindol sa Tayum, Abra

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko sa banta ng tsunami kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra.

Batay sa advisory ng PHIVOLCS, walang inaasahang tsunami matapos ang naranasang major earthquake sa nasabing lugar.

Sa pulong balitaan ng ahensya, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na magpapadala sila ng quick response team sa mga lugar na naapektuhan ng lindol at upang mabigyan din ng tamang impormasyon ang mga Local Government Unit (LGU) sa nangyaring pagyanig.


Pinaalalahanan naman ni Solidum ang publiko at ang mga LGU na magsagawa muna ng inspeksyon sa mga nasirang bahay, gusali, at imprastraktura bago sila bumalik.

Nagpaalala rin si Solidum na iwasan ang mga landslide prone area.

Ani Solidum, dapat ang mga LGU ay may mapa sa mga landslide prone areas para maiwasan ang mga ito.

Bagama’t may inaasahang mga aftershocks, ani Solidum, hindi na malakas ang mararamdaman sa Metro Manila.

Facebook Comments