PHIVOLCS, tiniyak na walang tsunami threat sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol sa Indonesia

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa bansa.

Kasunod ito ng magnitude 6.1 na lindol sa Sulawesi Islands, Indonesia alas-8:43 ng umaga.

Ang episentro ng pagyanig ay naitala sa Talaud Islands at may lalim na 70 kilometro.


Wala namang naitalang pinsala matapos ang nasabing lindol.

Facebook Comments