PHIVOLCS, umapela sa mga residenteng apektado ng Bulkang Taal na manatili muna sa evacuation centers

Nakiusap ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga residenteng apektado ng Bulkang Taal na irekonsidera ang kanilang desisyong umuwi sa kanilang mga bahay.

Ito ay sa harap ng mga ulat na may ilang mga residente ang ayaw umalis sa kanilang mga tahanan at tumatangging lumipat sa evacuation centers.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr., nananatiling aktibo ang bulkan at maaaring lumala ang sitwasyon.


Sa abiso ng PHIVOLCS, ang mga residente sa mga barangay Gulod, Buso Buso, at Lakeshore Bugaan East sa bayan ng Laurel, at Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo ay dapat lumikas.

Facebook Comments