Walang naitalang anumang pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Pero ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naglabas ang bulkan ng plumes na resulta ng pag-akyat ng mainit na volcanic fluid sa crater lake.
May taas ito na 1.5 kilometers bago hanginin pa-hilaga-silangang kanluran.
Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng low-level background tremors na unang naitala noong April 8.
May nagpapatuloy rin na magmatic activity sa ilalim na bahagi ng bulkan.
Patuloy naman ang paalala ng PHIVOLCS sa mga lokal na pamahalaan na maghanda sakaling tumaas muli ang aktibidad ng bulkan.
Inirekomenda rin nito na itigil muna ang paglaot sa Taal Lake.
Facebook Comments