Naging tahimik at walang naitalang volcanics earthquake ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Pero sa kabila nito ay nananatili sa Alert Level 2 ang Mayon dahil mas tumaas ang aktibidad sa lava dome nito.
Kaya paalala ng PHIVOLCS sa publiko, huwag pumasok sa six-kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibilidad ng phreatic o magmatic eruption ng Mayon.
Sa ngayon ay nasa moderate ang inilalabas na puting usok ng Mayon sa nakalipas na 24-oras.
Bunsod nito, ipinag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga concern agency, National Disaster Risk Reduction and Management Council at Local Government Unit na maghanda sa posibleng banta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.
Facebook Comments