PHLPost, hinikayat ang mga estudyante na magpadala ng appreciation letter sa kanilang mga guro

Hinikayat ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang mga estudyante na magpadala ng sulat o liham para sa kanilang mga guro.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng 50th World Post Day.

Iniimbita ng postal service ang mga estudyanteng may edad 10 hanggang 15 taong gulang na mag-mail ng letter sa kanilang mga teacher bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang mga sakripisyo.


Ang mga ‘thank you letters’ ay pwedeng ipadala sa pamamagitan ng Post Office, Ordinary Mail Service, na may temang “4A’s of Gratidute: Appreciation, Admiration, Approval, And Attention.”

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang publiko tungkol sa papel na ginagampanan ng Postal Service sa bawat buhay ng tao at negosyo, at sa naiaambag nito sa Global Social at Economic Development.

Facebook Comments