Nag-abiso ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko na magkakaroon ng pagka-antala sa lahat ng mga inbound at outbound na mga sulat na mula sa ilang bansa na may mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon sa PHLPost, kabilang sa mga apektado ay mga sulat na mula at patungong Mainland China, Hong Kong at Macau.
Paliwanag ng PHLPost, ang pagkakaantala ay para maiwasan ang pagkalat o paglawak pa ng COVID-19.
Dagdag pa ng PHLPost na suspendido din ang serbisyo ng gobyerno sa mga apektadong lugar, na nakaka-dagdag sa delays sa lahat ng inbound at outbound mails.
Dahil dito, humihingi ang PHLPost ng paumanhin at pang-unawa mula sa taong maaapektuhan ng pagka-antala.
Nagpasasalamat ng PHLPost sa mga patuloy na tumatangkilik sa tradisyunal na pagpapadala at pagtanggap ng mga sulat o kahit mga package.