PHLPost, maglalabas ng stamps tampok ang pamilyang Pilipino sa Pasko habang may pandemya

Maglalabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng mga bagong stamps o selyo kung saan tampok ang pamilyang Pilipinong nagdiriwang ng Kapaskuhan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasabay ng Selebrasyon ng National Stamp Collecting Month, ang “Pasko 2020” stamps ay pagkilala sa lahat ng pamilyang sama-samang magdidiwang ngayong holiday season.

Ayon sa PHLPost, malaking hamon ang kinaharap ng mga bansa ngayong taon mula sa pagputok ng Bulkang Taal, nagpapatuloy na pandemya, at pinsalang idinulot ng mga nagdaang bagyo.


Gayunpaman, ang Christmas stamp ay magpapaalala sa lahat na kung sama-sama ang pamilya ay kayang harapin ang lahat ng hamon at problema.

Noong Hulyo, naglabas ang PHLPost ng special stamp series kung saan nagbibigay pugay sa mga COVID-19 frontliners.

Facebook Comments