Naglabas ang Philippine Postal Corporation o PHLPost ng “commemorative covers” tampok sina Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice Pres. Sara Duterte.
Ayon sa PHLPost, ang mga commemorative cover ay ginawa kasabay ng inagurasyon ni Pangulong Marcos bilang ika-17 presidente ng Pilipinas.
Sa commemorative cover ni Pangulong Marcos, makikita ang kanyang larawan at imahe ng Palasyo ng Malacañang.
Habang sa commemorative cover naman ni VP Duterte ay makikita ang kanyang larawan, Monument of Peace and Unity sa Davao City at imahe ng agila.
Maliban naman sa commemorative stamps, sinabi ng PHLPost ng maglalabas din sila ng stamps o selyo ng inagurasyon.
Facebook Comments