𝗣𝗛𝗢, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗘𝗗𝗔𝗗 𝟬-𝟮𝟯 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗦 𝗢𝗟𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡

Muling hinimok ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 0-11 buwang gulang para sa kanilang kaligtasan.
Sa ginanap na Kapihan sa DOH ng Department of Health Center for Health Development – Ilocos Region sa lungsod ng San Carlos, hinimok ni Dr. Cielo P. Almoite ang Assistant Provincial Health Officer I ng PHO na hangga’t maaari pabakunahan ang mga batang ito dahil upang maiwasan ang mga vaccine preventable diseases na maaaring makuha nila sa kanilang murang edad pa lamang gayundin ang hindi inaasahang biglaang pagkamatay ng mga ito.
Ayon kay Child Health Program Manager Karen Lois Dela Cruz ang Periodic Intensification Routine Immunization (PIRI) sa mga bata ay isang programa ng ahensya na ibinababa sa mga komunidad upang mapatindi ang pagbabakuna sa mga batang edad 0-23 buwang gulang pa lamang.

Dahil dito, puspusan pa rin sa paalala ang health authorities sa mga magulang na dalhin na ang kanilang mga anak sa mga pinakamalapit na pagamutan o health centers upang mabigyan na ng bakuna ang mga batang ito bago pa man madapuan o makapitan ng anumang sakit na ikapapahamak ng sanggol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments