PHO, MULING NAGPAALALA SA PUBLIKO DAHIL SA MULING PAGTAAS NG KASO NG DENGUE SA PANGASINAN SA UNANG QUARTER NG TAON

Muling nagpaalala ang Pangasinan Provincial Health Office sa publiko na sundin ang mga itinalagang hakbang upang makaiwas sa sakit na dengue.
nakitaan ngayon ng pagtaas ang kaso ng dengue sa Pangasinan matapos ang unang apat na buwan ng taong 2023.
Base kasi pinakahuling monitoring at datos ng Pangasinan Provincial Health Office, nakitaan ng pagtaas ang kaso ng dengue sa Pangasinan sa unang apat na buwan ng taong 2023 kung saan simula January 1 hanggang ngayon buwan ng April ay nasa 50% ang itinaas ng kaso o katumbas ito ng nasa 296 na naitalang kaso ng ahensya kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 190 na kaso ang naitala lamang.

Kaya’t mahigpit ngayon ang paalala ng health authorities na sundin at gawin ang makakaya upang malagpasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng 4S laban sa Dengue, Search and Destroy Breeding Places, Seek Early Consultation, Secure Self Protection at Say Yes to Fogging.
Samantala, isinailalim naman ang bayan at Lungsod ng San Carlos City, Urdaneta City, Calasiao, Umingan at Bayambang dahil nakakapagtala ang mga ito ng matataas na kaso ng dengue.
Dahilan umano ng pagtaas nito ay dahil sa pabago-bagong panahon. |ifmnews
Facebook Comments