Muling nagpaalala ang Pangasinan Provincial Health Office sa publiko na huwag kalimutan ang mga hakbang upang makaiwas at upang mapuksa ang dengue sa kapaligiran.
Ang 5S ay ang Search and destroy, Self-protection measures, Support fogging, Seek early consultation, and Sustain hydration kung saan ayon sa mga health authorities na ang pagsasagawa ng 5S strategy ay ang pinakamainam at pinakamahusay na preventive measure laban sa dengue upang mabawasan ang mga kaso ng dengue sa komunidad.
Ayon sa mga awtoridad ang pagsasagawa ng inisyatiba sa paghahanap at pagsira sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang bilang ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Samantala, matatandaan na inihayag ni Dr. Rheuel Bobis nitong Hunyo na mayroong pagtaas ng kaso ng dengue ngayong taon kung saan aniya, nasa kung ikukumpara noong nakaraang taon ay nagkaroon na ng 11.7 porsyentong pagtaas sa kaso nito.
Base sa pinakahuling tala ng PHO, kabuuang 1,090 kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1, 2023, hanggang nitong Agosto 14, 2023.
Dahil dito, patuloy ang paghimok ng ahensya sa publiko na maging responsable upang makaiwas sa sakit na ito.
Pinapaalalahanan pa ang mga na-dengue na magkaroon ng sapat na tubig upang hindi ma-dehydrate. |ifmnews
Facebook Comments